Rebyung Pelikula : Dekada ’70

by - August 04, 2013

Rebyung Pelikula
(Dekada ’70)
A.    Tauhan

1.      Julian Bartolome Sr. (Christopher De Leon)
a.     Asawa ni Amanda na kaagapay nito sa pagpapalaki sa mga anak. Naging mabuting ama sa kwento, kaantabay sa pagdedesisyon, pangangalaga at pagprotekta sa kanilang mga anak.
b.     Kahanga-hanaga ang pagganap ni Christopher De Leon bilang Julian Bartolome Sr. hangod pa sa kanyang itchura bilang striktong ama sa magkakapatid ngunit maaring si Albert Martinez din ang gumanap bilang Julian Bartolome Sr. dahil kahanga-hanga din ang kanyang kahusayan sa pag-arte.

2.      Amanda Bartolome (Vilma Santos)
a.     Ina sa limang lalaki na pangunahing tauhan sa kwento at asawa ni Julian. Pinakita ang katatagan ng loob sa lahat ng pangyayaring nasaksihan at naranasan sa ilalim ng rehimeng Marcos.
b.     Si Vilma Santos ay ang “Star for All Seasons” at nakatangap na ng maraming parangal dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte, hangod sa kanyang pagganap bilang Mrs. Bartolome, ay kapanabik-panabik at wala pang mas hihigit sa kahusayan ni Vilma Santos.

3.      Julian "Jules" Bartolome Jr. (Piolo Pascual)
a.     Siya ang panganay na anak nina Amanda at Julian. Pinagpasyahang tumulong sa mga rebeldeng NPA upang tuligsain at iwaksi ng rehimeng Marcos.
b.     Ang pagaganap ni Piolo Pascua lbilang Jules ay kapanabik-panabik nga’t ang husay niya sa pag-arte. Angkop ang artistsang gumanap bilang si Jules, ang katapangan at ang reponsabilidad at ugali bilang panaganay ay nagamapnan niya.

4.      Isagani "Gani" Bartolome (Carlos Agassi)
a.     Ang ikalawang anak ng mag-asawa na naging sailor at itinuring na cream of the crop ngpamilya. Nagkaroon ng simpleng pagkakamaling mabuntis ang kasintahang si Evelyn.
b.     Sa aking obserbasyon wala akong masasabi sa paganap ni Carlos Agassi bilang Gani sa istroya dahil ganap ang kanyang pysical na itchura at bagay sa character na pinag-gaganapan niya.

5.      Emmanuel "Em" Bartolome (Marvin Agustin)
a.     Siya ay ang pangatlong anak ng mag-asawang Bartolome.Piniling maging manunulat ngunit hindi sinang-ayunan ng ama sa kadahilanang maliit lamang ang sweldo.
b.     Ang pagganap ni Marvin Agustin bilang Em ay bagay sa kanyang physical na itchura na matalinong mamayanan.




6.      Jason Bartolome (Danilo Barrios)
a.     Pang-apat na anak na maituturing na isang tipikal na teenager. Napatay ng mga pulis ng rehimeng Marcos.
b.     Wala akong masabi sa kanyang kahusayang pag-arte, ang pagbibigay nito ng bunot na buhok na ayon sa bandang ngalang “The Beatles” ay nagsisimbulo ng mga kabataan ng dekada ’70.
  
7.      Benjamin “Bingo”  Bartolome (John Wayne Sace)
a.     Bunsong anak ng mag-asawang Bartolome. Isang batang nasa kalagitnaan ng kanyang pagbibinata.
b.     Sangayon ako sa kanyang pagganap bilang Bingo Bartolome dahil ang pamilya niya ay lahi ng puti at medyo makapal ang kilay, saktong-sakto ang kanyang katangian.

8.      Evelyn (Dimples Romana)
a.     Ang kasintahan ni Isagani na nabuntis. Kalaunan sila ay pinakasal dahi lmagkakaroon na sila ng anak.
b.     Perpectong ginanap ni Dimples Romana ang katahuhang Evelyn sa kwento dahil rin hanggat ngayon magaling siya sa pag-arte, anuman ang kanyang pinag-gagampanan.

9.      Mara (Ana Capri)
a.      Ang babaeng nakilala ni Jules bago ito mabilanggo. Nabuntis at pinakasalan niya ito habang nakakulong.
b.     Ayon sa kanyang pag-arte, hindi ako sangayon at mas bagay kung ang gumanap ay si KC Conception dahil mula simula hanagang sa ngayon na kanyang karera ay kapanabik-panapik at hanga ako sa kanyang husay sa pag-arte.

10.  Willy (Jhong Hilario)
a.     Isa sa mga ng rebeldeng NPA upang tuligsain at iwaksi ng rehimeng Marcos ngunit nagwakas agad ang buhay nito dahil nahuli at sinaktan ng mga pulis ng rehimeng Marcos.
b.     Ayon ang kanyang pagganap ngunit mas sangayon ako kung si Billy Crawford ang gaganap dahil sa kanyang kagaligan din at sa pysikal na itchura.

 B. Kwento
1. Suliranin
             Ang suliranin sa palabas ay ang Martial Law at Curfew ng administrasyong Marcos. Isa pang sulirain ay ang mga magulang ng mga bata ay hindi naiintindihan ang mga sariling anak at maraming namamatay noong namuno si Ferdinand Marcos sa Pilipinas.





2. Tunggalian
Mga ganapan na isninasaway ng mga magulang ang kanilang mga anak na   huwang na sumabak at sumali sa rebelyon. Isa pang tunggalian ay ang panig ng mga rebeldeng NPA at ang administrasyong Marcos.  

3. Kasukdulan
Ang kasukdulan ng kwento ay nung pagkatapos ng namatay ang kapatid nilang si Jason Bartolome na hindi binigyan ng nahustisya. Malinaw din na isinaad ni Amanda Bartolome sa mga kanyang daughter-in-law na mahalaga ding ma-protektahan ang kanilang anak at sinomang ina ang gusting mapatay ang anak na walang dahilan.
                       
4. Kakalasan
Ang nagging halos katapusan ng kwento ay nauwi sa people power at napatalsik din ang rehimeng Marcos. Maraming nagsakripisyo  ngunit nakahinga din ng maluwag ang lahat at nakapag-higanti na ang mga mamayanan at sabay ding nakapag higanti at pwde ring nakamit na rin ang hustisya ni Jason Bartolome.

c. Tema
1.  Responsibilidad ng mga Magulang 
Pangunahing ipinakitang tema sa palabas, lalung-lalo na ang pagtiyatiyaga, pag-aalala at proteksiyong nais ipadama ng ina sa kanyang mga anak. Kasabay dito, ipinakita din ang katatagan ng loob ni Amanda sa mga unos na dumating sa kanilang pamily para lang mapanatiling buo ang pamilya.

2. Martial Law
Ito ang isa sa mga nagpahigpit ng sitwasyon sa bawat pamilyang Pilipino. Maraming mamayanan ang namatay dahil lang sa paglabag dito at nagging malaking rason para sa kauna-unahang people power.

3. Unwanted Pregnancy
Dalawang aksyon ayon dito ang ipinakita at isinagawa nga’t dalawang nakatatandang anak ni Amanda at Julian ay nakabuntis. Dahil sa pagiging konserbatibo noon at sa mahigpit na pagsunod sa turo ng simbahan, napilitan magpakasal si Isagani at Evelyn taliwas sa pagpapakasal ni Jules at Mara dahil mahal nila ang isa't-isa.

4.  Puberty
Pinakita din na kung papaano lumaki ang mga bata sa kalagitnaan ng Martial Law at anu-ano ang mararanasan ng bawat kabataang pinoy sa kanyang paglaki sa loob ng bansa.
           
5.  Dekada ’70
Sa pagpapakita ng mga symbolismo na ang kapaligiran ay noong dekada ’70 kagaya ng The Beatles like buhok ni Jason at paano sila manalita. Hangod na isninaad ito noong 2002.

D. Pamagat
Akma ang pamagat ng kwento sa istorya na pinapahiwatig. Dahil rin na 1970’s ang kaganapan ng Martial Law at daloy ng kwento.

E. Diyalogo (2-3 pangungusap)
Ang kanilang diyalogo na pagsasalita ng malalim ay kahangahanga at ayon sa panahon ng dekada ’70. Naipapakita ang daloy at symbolismo ng kwento sa kanilang papaano magsalita noong kapanauhan ng dekada ’70.

F. Sinematograpiya
            Ang pokus ng kamera sa ibat ibang angulo ng kwento ay kapanabik-panabik at nagbibigay ng mahalang detalye sa daloy ng istorya. Isang halimbawa ay ang parte nang pinaparusahan si Willy dahil sa pagiging rebelde sabay sa mga araw ng kayang libingan.

G. Iba pang AspektongTeknikal
1. Musika
            Musikang nagsysymbolo ng kalungkutan at kahirapan ng bayan. Ayon ito sa daloy ng istorya dahil rin sa kabuuan nito’y kasikapan at kahirapan ng mga mamayanan ay nakamit na maihulog si Marcos sa pwesto.

2. Kulay ng Palabas
            Nagpapakita ng kalumaan ng dekada ’70 kahit na isnigawa ang palabas noong taon ng 2002. At ang pakiramdam ng mannonood ay talagang lumang kwento at noong dekada ’70 isinagawa.









You May Also Like

0 comments