Buwan ng Wika
PAHIYAS
Sa aking paaralan ay nagkaroon kami ng paligsahan sa bawat silid na lalagyan ng dekorasyon ayon sa naibunot na piesta ng guro ng silid. Napasigaw ako sa galak na malaman na Pahiyas Festival o Piesta ng Pahiyas ang tema na nabunot para sa aming silid.
Inaasahan kong magiging mahirap ang pagdekorasyon sa kapistahan dahil sa aking mga kaklaseng ibang kelangan pang utusan at magalit ang guro bago gumalaw. Ngunit sinubukan at ginawa ko ang aking makakaya upang maayos at di panghuli ang ranko sa pagdesenyo ng silid. Sana mapagpasensyahan nila ako sa aking kaunting kasungitan habang nagdedesenyo. Hindi ko to mapigilan dahil naawa ako sa aking silid na parang walang enerhiyo para magdekorate ng silid, nauunawa ko nang nagpapatugtug sila habang gumagawa ngunit pagkatapos noon, uupo nanaman at magdadaldalan sila at hindi magsusuggest ng idea, konti lang ang may kusa. Sa dulo naman, ay nagpapasalamat ako sa kanilang kooperasyon sa pagtulong pakonti-konti. Naging maganda ang aming silid sa bandang huli naman.
(isang larawan ng bahay na puno ng kiping na ginamit bilang pangdekorasyon sa taon-taong paligsahan sa pagdisenyo ng bahay gamit ang mga produkto ng magsasaka) |
Ngunit sa araw ng pagsasauri ng silid, may nagpahamak ng aming kuwarto! Isninira ang aming dinikit na manila paper na pinintahan pa. Mabuti nalang ay nagawan din namin ng paraan. :)
UPDATE: Pangalawa sa huli kami sa ranko ng silid, at least di panghuli! Ngunit wala ang inaasam-asam naming kampyon na panalo :( +2 pa naman sa report card grade ! Sayang!
0 comments